Paglalakbay
ni Bujay
Naalpasan ko ang bulubunduking hápis,
karagatan ng ligalig ay nalangoy ko nang mabilis,
nanatili 'kong matatag sa gitna ng dusa
ngunit sangmundong ligaya'y 'di pa natatamása.
Ang matagal nang nilulunggating masumpungan ng damdamin,
siyang ngiti sa abang kaluluwa, nang aking tantuin,
di pala kayang ipinta ng karanasan--
kundi kusang inuukit ng kalooban.
Comments
Post a Comment