OH-EM-GAL
ni Bujay
Makikinig siya at iintindihin ka
kasi hindi ka pa niya kilala.
Ilabas mo ang sama ng loob mo sa isang estranghero.
Makikinig siya at huhusgahan ka
kasi hindi ka pa niya kilala.
Alinman, hindi ka masasaktan kasi alam mo ang dahilan,
pasanin mo pa'y gagaan. Salamat sa mga estrangherong ako ay pinakinggan
(at inintindi o hinusgahan).
Comments
Post a Comment