Huling Daluyong

ni Bujay


Mula ngayon,

kapag tumahan sa pagpapatangay sa alon 

ng hinaharayang gunita, pangakong 'di na muling lalangoy.


Aahon na't walang lumot 

ang makagagapos 

sa nangungulubot nang loob


upang magbabad pa...

.

.

.

muli.


Kaya, giliw, 

hayaan munang sumisid sa lalim 

ng salamisim. 


Kapag tumayo na't humakbang 

pasulong, tigmak man ng alaalang 

mabibigat, hahayaan lamang 


tumulo...

.

.

.

mga latak ng damdamin


sa pampang ng bumubukang-liwayway 

habang naglalakad palayo sa dagat nating kay tagal 

nang tumabang.





Comments

Popular Posts