Ang Mahinang Sotanghon
Ang Mahinang Sotanghon
ni Bujay
Umiinog
ang sulyáw ng buhay
sa kalawakan
ng microwave na inilawan
at sinaliwan
ng sumisikdu-sikdong kumpas.
Sa
kumukulong tubig ng hamon sa loob,
ang sotanghon—
may mga bumabalu-baluktot,
may
mga nangangalambre,
may
mga naninikil,
may
mga ‘di pasisiil
at
mga nagpapatangay
sa
agos ng karamihan;
lahat
nakikipagbalyahang maunang makapagsuot
ng timpladong
sangkap na nanonoot
naman
sa lahat ng hibla—
sa
tamang panahon,
tuloy
nanlalambot sila’t hindi makalaban
sa
estrangherong sa kanila ay lalamon.
Comments
Post a Comment