Bulalakaw


ni Bujay


Pasá’y talang naghihingalo,
nais ipagamot, hindi, dapat buhayi’t pakinangin muli!

Tanging hihilom, alam ko—ikaw
‘pagkat tala’y para sa ‘yo (lamang kumikislap).

Ngunit nang ika’y kinatagpo,



tuluyang namatay abang tala.



Bagama’t ako, himala, gumaan, nabuhay!
Walang luha o pagluluksa sa ‘kin
pagkat—

Hindi pala yaong tala ang dapat pagalingin,
mata ko lamang pala’y dapat gamutin o kusutin,
diwa ko’y dapat gisingin.

Salamat, nakakakita na ako.
Salamat, nalilinawan na ako!


Hindi pala tala ang dinadala ko
nang matagal
para sa'yo,
kundi bulalakaw—
minsang nagliwanag, nakabubulag!



tapos patay pala,
patay na pala

matagal na. 



Comments

Popular Posts