Buhbye
Bujay
Kung ang paglisan ay
maituturing na kasawian
puwes sa akin ay
magsisilbi itong kasiyahan
Kung ang paglimot ay maituturing na kalungkutan
puwes magpapakasaya ako
Dahil sa wakas naramdaman ko ulit ang aking pagkatao
Dahil sa mga panahong
kasama kita nabulag ako
Namanhid nang unti-unti ang katawang lupa ko
At
nakalimutan ko na ako'y may damdamin rin pala
Nakalimutan ko na pwede rin pala
akong malungkot
At ang kaligayahang ipinadama mo sa akin ay maaari rin palang
mabaon sa limot
At sana alam mo rin na punong puno ng latay ang aking katawan
Dulot ng iyong pagdating sa aking buhay
Oo napakalaki ng pinsalang sa akin ay dinala mo
Mga pinsalang
ginusto ko
Mga pinsalang ninais ko
Mga pinsalang minahal ko
Oo tama ka, minahal
ko ang mga pinsalang dulot mo
Kaya ngayong wala ka na, nangako ako sa aking
sarili
Na mabibilang lamang ng mga daliri
Ang mga luhang dadaloy mula sa aking
mga mata
Oo sisiguraduhin ko na iilan lamang doon ang para sa iyo
Dahil tulad
ng sabi ko, magpapakasaya na ako
At ang paglisan mo ay ituturing kong parang
isang regalo
Salamat, kaibigan.
Comments
Post a Comment