93 Million Miles

93 Million
ni Bujay

Malayo!
Sobrang layo ko na!
Malayo sa bahay,
kay nanay at tatay,
malayo sa tahanan ko.

Hindi ko alam.
Bakit ko ba pinili 'to?
Bakit pa ako lumisan
sa malambot na kamang higaan
himlayan ng utak
pahingahan ng isip?

Ngayon tuloy
kahit pagod na ako
pilit pa ring pinapagana 
'tong pabagsak at kinakalawang na makina 
ng isip
ng diwa
ng sarili.

Ano kayang langis 
ang magpapagana
sa makinang bulok at tumatagas
nitong sasakyan ko pabalik
sa iniwang kama
sa nilisang tahanan
sa malayong pamilya
sa kinakalimutang sarili
?
(Ang tulang ito ay paggunita sa una kong pagbagsak sa paborito kong reyna.)

Comments

Post a Comment

Popular Posts